HIPAG (Dein)

586 13 0
                                    

Isang babae ang 'di n'ya pa nalilimutan,
Sa puso n'ya 'di ko pa ganap na napapalitan.
Babaeng kanyang tunay na nagustuhan,
Pakiramdam ko,ako'y nakikipagpaligsahan.

Aking kapatid may bagong pinagtritripan,
Aking mga agam-agam pilit pinagtatakpan.
Hanggang sa isang araw, tuluyan kong natuklasan,
Aming nakaraan,pilit kong tinatakasan.

Maraming bagay na ayaw ko ng buksan,
Paano ko nga ba haharapin ang kinabukasan?
Hanggang ngayon s'ya ang aking pinagseselosan,
Maxpein,'di pa n'ya nakalimutan ng lubusan.

Dagok sa kanyang buhay,
Si Pein nais n'yang karamay.
Sakit sa puso ko nananalaytay,
Ayoko kami maghiwalay.

Maling kay Pein ako naghinala,
Oo nga 'di ko s'ya ganap na kilala,
Randall at Kimeniah magkasama pala,
Kaming magkapatid labis na nabigla.

Si Deib kay Pein nag-aalala,
Sa bahay ito'y kanyang dinala.
Sa magulang nami'y pinakilala,
Aking pagseselos unti-unting nawawala.

Labis akong humanga kay Pein,
Kapatid ko lagi kung kanyang sagipin.
Si Sensui na may pagkabading,
Kay Taguro ay totoong nahumaling.

Mga unos aming nalagpasan,
Masayang sasalubungin ang kinabukasan.
Si Pein aking ng magiging hipag,
Mga puso ni Deib muli nanamang lalapag.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now