HE'S INTO HER

443 3 0
                                    

Sa biglaang tingin mo ay masyadong mahaba,
Pero kapag binasa mo na ay astig kakaiba,
Ang mga emosyon mo ay ipagsasama-sama,
Mapapabasa ka na habang nakahiga sa kama.

Pakiramdam mo minsan nasa loob ka na ng eksena,
Kung puwede lang sabunutan mo na si Eerah Anitha,
Yung gugustuhin mo na pumunta sa Laguna,
At mas nanaisin mong mamasyal sa bansang Korea.

Mapapangiti ka sa bawat pangalan ng mga tauhan,
At sa kanilang mga ganap sa kuwentong astigan,
May kanya kanya silang kaartehan at kayabangan,
Bidang si Maxpein kahambugan ang pangungunahan.

Sa mga eksena nila minsan di mo namamalayan ika'y naiiyak,
Kulang na lamang sa sobrang kilig ika'y magpapadyak,
Sa inis mo sa mga Rewis pati katabi mo ay muntik mo  nang masapak,
Nang maghiwalay ang Tagsen parang puso mo rin ay nabibiyak.

He's into Her na ginulat ka sa kakaibang katapusan,
Mga tauhan na labis mo na ring kinabaliwan,
Nakakabisado mo na ang kanilang malulupit na linyahan,
Ang higit na mahalaga rito ay marami kang natutunan.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now