SUMPA KO

168 2 0
                                    

Deib feel be like

Sumpa ko sa 'yo, ikaw lang ang mamahalin,
Saksi ang araw, buwan at maging mga bituin,
Oh my babybabe di ko pagsasawaang sambitin,
Sasayaw ako ng "Sometimes" para ika'y patawanin.

Sumpa ko sa 'yo, sa lahat ng bagay ika'y tutulungan,
Mag-aaral pa ng self-defense kung kinakailangan,
Kahit sino pa ang bumalak na tayo ay hadlangan,
Narito ako maghihintay at ang pagbabalik mo ay aabangan.

Sumpa ko sa 'yo, magiging butihing asawa at ama,
Sapat na sa akin na kayo ni Maxspaun ay aking makasama,
Aking pagmamahal at kalinga ay di mapapagod na ipadama,
Sumpa ko, ikaw lang at di magbabago ang aking nadarama.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now