KASAL (Deib)

351 5 0
                                    

Ikaw ang aking bagong kaaway,
Sa aking trip ikaw ay nakisabay,
Paglipas ng araw isip ko iyong ginulo,
Kulang na lamang ay mahilo.

Ako ay labis na nasaktan,
Ginawa ni Kim sa 'kin gusto kong kalimutan,
Aking pamilya at kaibigan, ako ay tinutukso,
Ikaw daw ay aking gusto.

Noong una aking kinakaila,
Unti-unti kitang nakilala,
Sa paningin mo nais kong maging bida,
Mahal na kita walang duda.

Sa Palawan tayo ay nagkasama,
Tuwa ang aking nadarama,
Hindi na ako naguguluhan pa,
Minamahal kita, at wala ng hahanapin pa.

Sa 'yo ako ay nakipagpustahan,
Aking paboritong laro ating pinagbidahan,
Pag natalo ka, ikaw ay akin na,
Labis kong saya, nang ikaw ay di na pumalag pa.

Mensahe ating pinagpapalitan,
Kahit ang pagsagot mo ay matagalan,
Sinabi kong ikaw na aking mahal,
Nais ko ating huli ay maging kasal.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now