MAZE

297 8 1
                                    

Sina More at Heurt alam kong nagmahalan sila,
Nagbunga at di ko na iyon ikinabigla,
Masilayan s'ya hinaplos ang aking puso,
Kahit di ako ang kanyang ina, ito'y lumukso.

Nais ko ipakita ang aking pag-aaruga,
Pero sa tuwing nakikita s'ya, puso ko'y pinipiga,
Sa tunay n'yang ina labis s'yang nangungulila,
Si Heurt tinutulungan ang iba, pero si Pein ay balewala.

Sa iba s'ya nagmamalasakit, anak n'ya ay may sakit,
Hindi ko maiwasan makaramdam ng awa at galit.
Nagkaroon kami ni Pein ng distansya,
Nang sa pag-aaral s'ya ay nagpabaya.

Lumaki s'yang sumusuway at lumalaban sa 'kin,
Pero hanga ko sa tibay at talino n'yang angkin,
Hinubog s'ya para kami ay protektahan,
Si Chairman Moon kailanman sa 'min ay walang kinakampihan.

Aking mga anak ay mahal na mahal s'ya,
Prinsesa s'ya ng pamilya, lalo ng kanyang kuya,
Bilib ako sa katapangan n'yang taglay,
Na sa kanyang dugo ay talagang na nanalaytay.

Hindi ko man mabago ang katotohanan,
Na s'ya ay di galing sa 'king sinapupunan,
Ako'y kanyang pangalawa n'yang ina,
Masaya ko natagpuan n'ya ang kanyang tadhana.

Binigyan n'ya ko ng isang cute na cute na apo,
Naunahan pa n'ya ang kuya n'yang guwapo,
Si Chairman Moon ay alam kong maligaya,
Sapagkat buo na kami at matatawag na isang pamilya.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now