IKAW (Deib and Pein)

720 7 0
                                    

Ang magmahal ay 'di gano'n kadali,
Aminadong may mga pagkakamali.
Sa bawat araw at sandali,
Pagkasama mo s'ya 'di ako mapakali.

Ikaw ang walang sawang hahanapin,
Ikaw ang palaging pipiliin.
Ikaw lamang laman ng puso't damdamin,
Pagka't ikaw lamang ang iibigin.

Gaano man katagal?
Ako'y 'di mapapagal.
Pagkapiling ka nais oras ay bumagal,
Pag-iibigan natin  kayraming sinugal.

Malayo ka man sa aking paningin,
Alam  ko sa'kin diang iyong tingin.
Makapiling ka muli  aking dinadalangin,
Salamat ako'y kanyang dininggin.

Lumipas man ang gabi at araw,
Umaasa na muli  kang matatanaw.
Puso't damdamin ko iyong pinukaw,
Walang ibang magmamay-ari nito kundi ikaw.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now