UNA (Kimeniah)

720 23 0
                                    

Ako ang una n'yang sinuyo,
Ako rin ang may kasalanan kaya s'ya lumayo.
Nagpatangay ako sa panandaliang tukso,
Puso n'ya nag-iba tuloy ng lukso.

Sa kanyang presensya ako'y nangungulila,
Puso ko s'ya pala talaga dinadala.
Nasa  iba na kanyang atensyon,
Inaamin nagkamali ako ng desisyon.

Ibinaling ang sarili sa pag-aartista,
Iba-ibang personalidad aking nakikita.
Kinailangan n'ya nang masasandalan,
Kaya s'ya ay aking walang atubiling dinamayan.

Wala ko sa posisyon para magselos,
Ano magagawa s'ya ay mahal kong lubos?
Tinawag man nila  kong  desperada,
Nagmahal lang ako, kaya huwag kayong magduda.

Akala ko ako'y may pag-asa,
'Yun pala pansamantala lamang s'yang mag-isa.
Tunay n'yang minamahal ay bumabalik,
Mamahalin na lang s'ya ng tahimik.

Walang katulad pagmamahalan nila,
Masaya na ko para sa kanila.
Sila pa rin ay aking mga kaibigan,
Nagagalak na isa ko saksi sa kanilang pag-iibigan.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now