DEIB LOHR ENRILE

553 2 0
                                    

Di ko alam ano ang sumapi sa akin,
Nang s'ya ay aking biglang patirin,
Dahil lang sa kakaiba n'yang tingin,
Nagulat ako ng kanyang sapakin.

Sinabi pa n'ya mukha kong "siopao",
Napamaang ako at "ano raw?",
Atensiyon ng lahat aming naagaw,
Simula non sisirain ko kanyang araw.

Ang bubblegum n'ya ay "double mint",
Napakaweirdo pa n'ya talaga manamit,
Pagnakikita s'ya, ako'y nagngingitngit,
Sa kanya ako'y galit at mata'y naniningkit.

Madalas kami magkasalubong sa "batibot",
Doon kami parating nagpapang-abot,
Noon  sa kanya ako ay laging nakasimangot.
Napailing ako nang umiinom pa pala s'ya ng "yakult".

Ang kanyang pabango dati ay panglalaki,
Ang t-shirt n'yang isinusuot ay malalaki,
Sa kanyang talento mata ko ay nanlalaki,
Noon sa kanya wala akong kapaki-paki.

Naging lapitin ako ng gulo at disgrasya,
Pag nasa panganib ako ay darating s'ya,
Nang malaman ko ang pagkatao n'ya,
Humanga ako ang lahat ng yon kanyang nakaya.

Ang dating inis ko ay napalitan na lang bigla,
Sa aking natutuklasan sa kanya ay nagigitla,
Sa aking nakikita sa kanya ay napapatulala,
Tinamaan ang puso ko sa kanya ng malala.

Ako si Deib Lohr Enrile a.k.a "Sensui",
Na isa sa mga tagahanga ni Britney,
Favorite song ko ay "Sometimes",
Si Taguro  mamahalin ko all the time.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now