JAPANESE GARDEN

261 3 0
                                    

Deib feel be like

Lugar na di ko basta malilimutan,
May sinabi ka sa 'kin na di ko inasahan,
Saksi ang mga puno at ang hagdan,
Na ako iyo na ring nagugustuhan.

Dito nagkaroon ako ng masaya alaala,
Nagpapasalamat na tayo'y nagkakilala,
Puso at damdamin ko ay mas sumigla,
Nadarama ko para sa 'yo mas lumala.

Tob feel be like

Kasama ko noon si Michiko,
Sinabi n'ya mahal n'ya rin ako,
Kaya naman ang saya ko,
S'ya lang talaga aking pangako.

Sa kanya lang ako tunay na sasaya,
Gagawin lahat ng aking makakaya,
Para sa piling ko s'ya ay maligaya,
Ramdam ko na ako lang mahal n'ya.

Lee feel be like

Sa kotse ko rin s'ya sumakay,
Bagay na matagal kong hinintay,
Naroon kami nag-uusap noon sa tulay,
Napaamin na ko sa kanya ng tunay.

Tinanong ko kanyang nararamdaman,
Ako rin pala kanyang nagugustuhan,
Kinilig s'ya at wag ko na raw s'ya ligawan,
Niyakap ko si Naih at ayaw ko ng bitawan.

Date nilang anim sa Japanese Garden,
Babalikan ang memories every now and then,
Memorable place para sa Leerot,Tobchiko at Tagsen,
Love story nila ay never be forgotten.



My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now