HANGGANG SA MULI

423 6 2
                                    


Mahirap na bahagi ng ating buhay,
Ang mamaalam sa bagay nagbigay sa atin ng kulay.
Kuwentong dalawang taon kong sinubaybayan,
Sa bawat kabanata tuwa't pighati  ako'y nakipagsabayan.

Natunghayan ang kakaibang pag-iibigan,
Natatanging pagpapahalaga sa pamilya't kaibigan.
Sarili ko natagpuan na lamang naaaliw,
Kadalasan para na ngang isang baliw.

Epilogue hindi ko pa babasahin,
Alam kong muli akong paluluhain.
Luha  ng tanda ng kasiyahan,
Buhay natin  ay  pahalagahan.

Salamat sa'yo Miss Max hanggang sa muli,
Ramdam ko hindi ito ang talagang huli.
Salamat sa iyong pagpapasaya,
Luha ko tanda ng ligaya.

Kuwentong hindi ko makakalimutan,
Kahit kailan hindi ko basta papalitan.
Pagka't sa puso't isip ko ito  ay  mananatili,
Hanggang maubos pa ang bawat kong  sandali.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now