RANDALL

255 7 0
                                    

Ako ay isang lalaking maloko,
Bihira noon sa babae magseryoso,
Si Maxpein ang unang babaeng minahal ko,
Nang dahil sa kanya, ako'y natuto.

Ngunit tadhana sa amin nagbiro,
Ngayon ako'y seryoso, saka naman nakipaglaro,
Si Maxpein ang unang babaeng aking sineryoso,
Sa lahat ng aking gagawin ay kanyang suportado.

Nagtagal naman aming pagmamahalan,
Ngunit pilit nila talagang tinutulan,
May pangyayari buhat sa nakaraan,
Na labis kaming dalawa ay masasaktan.

Ngayon pareho na kaming masaya,
Bumuo na rin ng sariling pamilya,
Di man kami nagkatuluyan, pareho na kaming maligaya,
Kasama ang mga asawa at anak naming matatawag na biyaya.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now