MAXPEIN ZIN DEL VALLE

717 16 3
                                    

S'ya ang babaeng walang emosyon,
Sa kanyang "tss" ika'y mapapalingon,
May motor s'ya ang pangalan ay "Rabbit",
Dito wag kang aangkas o makikisabit.

Sa kanya maririnig mo ang "king ina",
Pag s'ya ay nagalit na, kaya magtago ka na,
Nakilala n'ya si Deib Lohr na may pagkabully,
Na nahihirapan sa subject nilang Biology.

S'ya man ay maangas at iba kung manamit,
Sa puso ni Randall minsan s'yang humigit,
Billiard ang kanilang naging libangan,
Kaya lang pag-ibig nila ay hinadlangan.

Kaisa-isang apo na babae ni Chairman Moon,
S'ya si Maxpein Zin Del Valle hinarap lahat ng hamon,
Paboritong pahirapan ng kanilang lecturer na si Mr. Ciufan,
Na humahanga sa kanyang kahambugan at katalinuhan.

Hindi raw sila magbestfriend ni Zarnaih,
Pag ito'y nasaktan doble ang sakit sa kanya,
Tungkulin n'ya protektahan ang kanyang pamilya,
Namana ang galing sa pakikipaglaban sa kanyang ina.

Si Deib Lohr ay nailove na talaga sa kanya,
Pag-amin nito ay halos di n'ya na kinaya,
Babybabe ang naging kanilang endearment,
Nang makasal sila ang pinakahappiest moment.

S'ya si Maxpein ang "Highest Empery Rank",
Isang mabuting kapatid, apo, kaibigan at anak,
Kakaiba man ang kanyang katangian,
Pakamamahalin mo naman ng lubusan.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now