REQUESTED SCENE

309 5 0
                                    

NAGTUNGO SA AMERIKA SI DEIB DAHIL SA GINAWA NILA EERAH  AT BREAK  UP NG TAGSEN

Maxpein feel

Ikaw ay kanilang tinukso,
Sinamantala ang  kahinaan na iyong puso,
Ako ay labis mong  nasaktan,
Sa eksena n'yo ni Eerah na aming nasaksihan?

Ikaw ay sinaktan nila ng pisikalan,
Iyong puso nararapat na operahan,
Kayo ng iyong magulang, nagtungo sa Amerika,
Sabi ko pa magpagaling ka.

Pagbalik mo, akala mo maayos tayo,
Pero ikaw ay tinutulak ko palayo,
Sa 'yo ako ay tuluyang naghiwalay,
Ayoko na ikaw kanilang muling idamay.

Lihim kitang binabantayan,
Para sa kaligtasan,handa ko makipagpatayan,
Dahil sa mga sakim na Rewis,
Buhay ko handang ibuwis.

Lovemir kanyang puso sa 'yo ay inalay,
Para madugtungan ang iyong buhay,
Sa Korea, muli ako ay nagtungo,
Nasa ating kapalaran ay nagpabago.

SECOND BREAK UP

Maxpein feel

Tayong dalawa ay nagkatampuhan,
Kaya nagpunta ka sa isang kasiyahan,
Kaming ni Lovemir ay nagtungo rin,
Lahat ng bahagi ng lugar na iyon halos akin ng suyurin.

Sa isang madilim na kubo kayo naroroon,
Halos manlambot ako sa nasaksihan ko roon,
Selos at galit ang pinagsanib,
Sasabog na ang aking dibdib.

Ikaw ay aking biglang iniwanan,
Ayoko makinig sa iyong dahilan na kababawan,
Nanginginig na ang aking mga kamay,
Sa galit ko maraming madadamay.

Ikaw pala ay kanilang pinagkaisahan,
Sinaktan ka nila, halos puso mapuruhan,
Nagtungo kami sa pagamutan,
Ang iyong mga galos sa mukha ay di ko malimutan.
 
Nilabag nila ang aking patakaran,
Pananakit nila sa 'yo ay kanilang pagbabayaran,
Ang ginawa nila sa atin, di ko palalampasin,
Kasakiman nila aking tatapusin.

AWAY  LABAN SA MGA REWIS

Maxpein feel

Iba rin ang kanilang tapang,
Sa bawat kong kilos sila ay nakaabang,
Aming teritoryo kanilang pinasok,
Kaya puso ko ay naghihimutok.

Binihag namin si Taylor,
Isa s'yang lihim na traydor,
Enrile ang kanilang pakay,
Pero aking lolo ang  kanilang pinatay.

Nagpunta sila sa lamay,
Nanginginig sa galit aking mga kamay,
Buhay ang kanilang inutang,
Kaya humanda sila paghihiganti ko na nag-aabang.

Isa si Christian sa nagbayad,
Aking galit kanilang sinagad,
Wala na ko paki sa aking kaparusahan,
Tatapusin ko na itong gulo kanilang sinimulan.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiOù les histoires vivent. Découvrez maintenant