DI AKO NANINIWALA (Deib)

186 8 0
                                    

Nagimbal tayo pareho sa katotohanan,
Aking lolo ang ugat ng kaguluhan,
Maraming nadamay at nasaktan,
Pati ang pagyao ng iyong lolo di natin malimutan.

Ikaw ay umalis muli,
Nais ko pa sana ikaw ay manatili,
Pero nanalo ka ulit bandang huli,
Nagtungo ka ng Korea sandali.

Ako ay labis naniwala,
Kasi sa 'yo buo aking tiwala,
Noong umaga nag-uumapaw pa aking sigla,
Hihingin ko na ang iyong kamay, pero ikaw ay wala.

Isa-isa kong sinindihan ang mga ilaw,
Para sa kadiliman iyong maging tanglaw,
Sa aking kinauupuan 'di na ko gumagalaw,
Mga mata ko unti-unti ng namamanglaw.

Hindi ka na naman dumating,
Aking puso muli na namang naghihinaing,
Akala ko sa gabing ito ikaw ay makakapiling,
Sa madilim na kalangitan, ako ay humihiling.

Sa iyong 'di pagsipot ako nanamlay,
Sa aking damdamin sakit ang tumatulay,
Ako pa rin ay handang maghintay,
Di ako naniniwala na ikaw ay patay.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now