MAMAHALIN NG GANITO (Deib feels)

672 16 0
                                    

Ilang taon na ang lumipas,
Ganda n'ya'y wala pa ring kupas.
Saliw ng musika sa'king puso'y kumukumpas,
Pagkakataong ito'y 'di ko na hahayaang lumagpas.

'Di ko magawang ibuka aking bibig,
Nais sana kitang kabigin.
Mata ko'y malapit ng manubig,
Ikaw pa rin ang aking iniibig.

Nasayang na panahon,'di ko man maibalik,
Mamahalin kita nang walang tumpik.
Puso ko'y sa'yo pa rin pumipitik,
Dama ko rin iyong pananabik.

Ikaw pa rin sinisigaw nito,
Puso ko'y kailanman 'di huminto,
Ngayo'y 'di rin nakadarama ng pagkalito,
Ikaw lang mamahalin ko ng ganito.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon