WALA NG IBA PANG MAHIHILING

176 2 0
                                    

Deib feel be like

Sa tuwing aking naaalala,
Ang unang araw na tayo'y nagkakilala,
Ako ay napapangiti na lamang bigla,
Ang mahalin ka ng sobra ay di ko inaakala.

Ang porma mo  napaka-angas,
Ang mukha ko malimit magkabangas,
Sa motor mo na bihira ka kung mag-angkas,
Ang nakakabilib mong bilis at lakas.

Ako ang lalaking hinahabol ng puso,
Ikaw na kung minsan ay may pagkatuso,
Panoorin ang iyong pagsayaw ay aking gusto,
Ang pagtibok ng puso ko ay ayaw huminto.

Ang paborito mong pagkain na stik-o,
Ang astig mong tingnan paghawak ang tako,
Ang ngisi mo na sa akin sadyang nagpapapako,
Ang matagpuan ang aking sarili na nangangako.

Ako si  Sensui na kung tawagin mo ay bading,
Na sa 'yo naman talagang humaling na humaling,
Taguro ko na sa pagkikipaglaban ay magaling,
Ikaw ang ninais at pinangarap kong makapiling.

Salamat damdamin mo  sa akin din bumaling,
Madalas man akong makatanggap sa 'yo ng iling,
Nangarap ako na magkaroon tayo ng benteng supling,
Ngayon ikaw ay akin ng kabiyak wala ng iba pang mahihiling.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now