REWIS

320 1 0
                                    

Puso nila ay labis na nagdalamhati,
Nabalutan ng poot at ng pighati,
Kaya sila ay nagnais gumanti,
Pinapakita ang kakaibang ngiti.

Sa pangunguna ng kanilang Chairman,
Pinasok nila ang isla ng Moon sa Palawan,
Sinira nila ang magandang kasiyahan,
Mga puso nila humihiyaw ng kaguluhan.

Laguna ay kanila ring tinungo,
Trahedya na kayraming binago,
Mga lihim na pilit na itinatago,
Iniiwasan matalo ng pagkabigo.

Mga Enrile ay kanilang kinaibigan,
Galit ang sinisigaw ng kanilang isipan,
Hustisya ang nais na makamtan,
Pagkamunghi na hindi nila malilimutan.

Mga Moon sa kanila ay nadamay,
Si Taylor ay nasa kanilang bahay,
Inaalam ni Maxpein ang kanilang pakay,
Naiinis nanginginig na ang mga kamay.

Si Eerah Anitha lihim na kumikilos,
Si Deib Lohr ay ginamit n'ya ng lubos,
Relasyon nila ni Maxpein ay nawala sa ayos,
Hindi n'ya alam mas lalala pa ang unos.

Cargosin na laging napapaisip,
Si Taylor paano nila maisasagip,
Mga kilos ni Maxpein di nila mahagip,
Sa paghihiganti sila ay naiinip.

Kasa-kasama n'ya si Christian,
Sa pagplano ng mga kaguluhan,
Dinamay na rin pati eskuwelahan,
Si Maxpein nahirapan silang isahan.

Si Lovemir na kanilang kakampi,
Na napapagod din sa pagtitimpi,
Sa Rewis man s'ya tunay na kasapi,
Hindi n'ya kaya si Maxpein ay maapi.

Si Mr. Wood ay kanilang isinali,
Pati si Deib Lohr ay kanilang kinulong at itinali,
Si Maxpein ay hindi na mapakali,
Sa pagpunta si Heurt ang naging kanyang kahalili.

Sa paghihiganti nila kayrami ring nadamay,
Si Chairman Moon ay binawian ng buhay,
Pati sina Christian at Lovemir ay nahimlay,
Mga Rewis sa emperyo may parusang naghihintay.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now