HINDI KO HAHAYAAN (Maxpein )

182 6 0
                                    

Hindi na talaga ko makatiis,
Nangungulila ko sa 'yo ng labis,
Ngayon tayo ay magkaharap,
Na matagal ng pinangarap.

Sa 'kin ikaw ay umamin,
Ako pa rin laman ng iyong damdamin,
Si Kimeniah tayo ay nilapitan,
May hawak s'yang gamot kaya ko naguluhan.

Ito iyong ininom, at saka ako iniwan,
Binasa ko ang pangalan ng gamot, sakit ang aking naramdaman,
Matinding depresyon ang iyong naging sakit,
Kinikimkim mo lahat ang iyong mga hinanakit.

Ako ay hindi labis na mapalagay,
Gusto ko alamin ang tunay mong lagay,
Kahit gabing-gabi ay nagtungo ako sa inyong bahay,
Nais ko sabihin na ikaw ang dahilan kung bakit pa ko nabubuhay.

Nagpapasalamat nagkasama tayo sa Palawan,
Hindi ko kaya na ako ay iyong iiwan,
Ako ay babawi, aking pangako yan,
Hindi ko hahayaang mawala ka sa 'kin ng tuluyan.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon