PATULOY NA MAHUHULOG ( Deib)

183 3 0
                                    

Deib feels be like

Sa 'yo ay madalas akong magdamdam,
Ang hina mo kasi makiramdam,
Aalis ka na lang basta na walang paalam,
Sa akin ba wala kang pakialam.

Oo na, ako ay napakakulit,
Ikaw na ang ayaw ng paulit-ulit,
Aminado rin naman ako ay nagsusungit,
Pero sa ating dalawa sila ay naiinggit.

Sa akin sila ay nagkakandarapa,
Kapag inaway mo sila halos magkanda-dapa,
Gusto ko layo mo sa kin ay isang dipa,
Mawala ka sa'kin di ko na makakayanan pa.

Unti-unti kang nagbago,
Pero ang ugali natin pareho ay pagbago-bago,
Hindi na ko magmamahal pa ng panibago,
Sapagkat aking pagsinta sa'yo ay di na magbabago.

Ating mundo patuloy sa pag-inog,
Mga karanasan na sa 'tin ay nagpapahinog,
Ako'y sa'yo patuloy na mahuhulog,
Kasama kita parati hanggang sa 'king pagtulog.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon