PAG-IBIG

235 2 0
                                    

Maxspaun Thaddeaus Moon feel be like

Naaalala mo pa no'ng paslit ka pa lamang,
Sa mga bagay ang iyong kaalaman ay kulang,
Nariyan s'ya upang turuan ka sumulat at magbilang,
Mapabuti ka, hiling ng iyong mga magulang.

Lumalaki ka na maraming gumagabay,
Ngunit s'ya ang nagtitiyaga sa 'yo maghintay,
Walang kaparis magmahal ang isang nanay,
Nagtitiis sa kakulitan mo at pagiging pasaway.

Kapag gabi pinaghehele ka ng tinig nilang malamyos,
Sinusiguro na ang paghimbing mo ay magiging maayos,
Walang katulad ang kanilang aruga at haplos,
Natataranta kapag ika'y nasaktan at nagkagalos.

Ilang taon man ang patuloy na lumipas,
Kalinga nila ay di kailanman kukupas,
Tayo ang natatangi nilang lakas,
Bubuo sa pangarap nila hanggat may bukas.

Mahal kong inang Maxpein na sobrang astig,
Kapalaran man minsan kang inusig,
Di ka pa rin nagpasindak at nagpadaig,
Salamat sa walang kaparis mong pag-ibig.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon