YSAY

575 11 0
                                    

Ako ay isang simpleng dalaga,
May ganda ring ibubuga.
May pagtingin kay Deib lohr,
Aking magulang ay mga doktor.

Si Deib hindi ako pinapansin,
Lagi na lang si Maxpein,
May laban naman ako kay Kimeniah,
Nahambalos ko tuloy si Naih.

Maxpein sa akin ay nanggagalaiti,
Ako naman ... ito panay lang ang ngiti,
Sabi niya ako ay isang baliw,
Mas lalo tuloy akong naaliw.

Magulang ko ay pilit akong ipinagtanggol,
Naiiyak na ko na para ng isang sanggol,
Mabuti pa ang isang Maxpein,
Aking kalagayan ay kaniyang napansin.

Dahil sa kaniya nalaman ng aking magulang,
Ang kanilang mga pagkukulang,
Siya ay labis kong pinasasalamatan,
Ginawa niya para sa akin ay hindi ko malilimutan.

Ako ay humihingi ng patawad,
Dahil sa kilos kong naging huwad,
Napakaswerte ng iyong mga kaibigan,
Pagmamahal mo kay Deib  hindi ko madadaigan.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now