NAGTATAKA (Deib)

249 5 0
                                    

Sa kanilang kinikilos ako ay nagtataka,
Bakit ba sa tabi ni Randall ay nand'yan ka?
Sa iyong balikat s'ya ay umiiyak,
Magkapatid ba kayo, na di ko naman natitiyak.

Iba ang dating sa 'kin ng ikaw kanyang yakapin,
Katotohanan ba kaya kong tanggapin?
Sa buhay mo sino nga ba si Randall,
S'ya pala ang kauna-unahang lalaking iyong minahal.

Sa aking mga nalaman ako ay nagimbal,
Sa pagkakatayo muntikan na kong mabuwal,
Isa ang ate ko sa inyo naging hadlang,
Sabihin mo sa 'kin ito ay panaginip lang.

Sa iyong pagluha ramdam ko ang sakit,
Inilabas mo sa kanya ang lahat ng iyong hinanakit,
Ikaw ang unang babaeng kanyang sineryoso,
Kapalaran ba ako ay tinutukso.

Ikaw sobrang mailap sa mga tao,
Masyadong misteryosa ang iyong pagkatao,
Kung magmahal ka ay talagang totoo,
Ngayon ako sa 'yo ay nagkakagusto.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now