IISA PA RIN

258 3 0
                                    

Maxpein be like

Di ako ang babaeng iyong natitipuhan,
Pero ako ay basta mo na lang nagustuhan,
Isang bagay na hindi ko naman inaasahan.

Ang aking paningin sa 'yo  rin ay naituon,
Pighati na itinago ko sa mahabang panahon,
Dahil sa iyong tulong ako'y nakaahon.

Lumikha ako ng isang patakaran,
Na ikaw ay di maaring masaktan,
Sa kahit anong klaseng paraan.

Kapalaran man tayo ay sinubok,
Larawan man natin ay mabalutan ng alikabok,
Puso't damdamin natin ay iisa pa rin ang tinitibok.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu