SAMANTHA

280 2 0
                                    

S'ya ay medyo may kayabangan
Kasi sa bilyar s'ya ay kagalingan,
Ang pangalan n'ya ay Samantha,
Sa pagtira ng bola ay magaling umasinta.

Naging malapit sila ni Maxpein noon,
Ipinaglalaban sila sa kompetisyon,
Bilyaran nila ang naging tambayan,
Sa kagalingan ito ay nakikipagsabayan.

Nasanay s'ya na palaging panalo,
Pero kay Maxpein s'ya ay natatalo,
Dating malapit na magkaibigan,
Naging mahigpit na magkalaban.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon