IPAGPATAWAD MO

322 2 0
                                    

Deib feel be like

Ipagpatawad mo, ang aking kalokohan,
Sarili ko minsan hindi na maintindihan,
Sa katunayan nga di ko rin ito inaasahan,
Na ang tulad mo akin ring magugustuhan.

Ipagpatawad mo, labi mo ay aking kinaadikan,
Kung maari lang bawat segundo ika'y hahagkan,
Ang yakap mo palagi kong kinasasabikan,
Taguro ko alaala natin aking babalik-balikan.

Ipagpatawad mo, di na kita pakakawalan,
Ikaw na ang babaeng aking pakakasalan,
Hindi na kita hahayaan na ako ay iwanan,
Pagkat puso ko ay mabibiyak na naman.

Ipagpatawad mo, puso ko ay nagliliparan,
Saulado ko pa rin ang iyong naging patakaran,
Ganda ng iyong ngiti ay di ko nakakalimutan,
Sa puso at isip ko di ka nila mahihigitan.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon