BIS

414 1 0
                                    

Sa BIS kung saan sila naging magka-eskuwela,
Nong una sa isa't isa magkaiba ang kanilang pagkakakilala,
Sa isang tingin at pamamatid kasi silang dalawa nagsimula,
Ngunit dito rin marami silang nalikhang alaala.

Eskuwelahan na kanilang babalik-balikan,
Mga pangyayaring may tawanan at asaran,
Kahit na minsan ay may nangyari ring kaguluhan,
Kung saan nakakita rin sila ng taong masasandalan.

BIS ay eskuwela na di nila basta malilimutan,
Maraming alaala dito na kanilang pinagsaluhan,
May mga aral na rito nila ganap na natutunan,
Kung saan nagkaroon sila ng mga tunay na kaibigan.

Sa Brent International School isa't isa ay kanilang natagpuan,
Maraming pagsubok man na sila ay sadyang pinahirapan,
Isa ito sa naging saksi sa nag-uumpisa nilang pagmamabutihan,
At dito nabuo ang kanilang kakaibang kuwento ng pag-iibigan.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now