KALUNGKUTAN (Maxpein )

206 8 0
                                    

Kung pagmamasdan mo s'ya ay istrikto,
Para kaming mga apo n'ya ay matuto,
Pero kami ay kanyang pinagmamalaki,
Sinubaybayan ang aming paglaki.

Kahit na ako'y anak sa iba ng aking ama,
Pag-aaruga ang kanyang pinadama,
Pansamantala kong nagrebelde,
Sa kanilang kapangyarihan di dumepende.

S'ya ang aking nag-iisang lolo,
Na tahimik akong inaalo,
Ang nag-iisa naming chairman,
Pagmamahal n'ya ang aking yaman.

Nag-aral ako at nakapagtapos,
Sa sinabi n'ya sa 'kin puso ko ay hinaplos,
Tasang aking iniregalo, s'ya'y labis na natuwa,
Sa kanyang ngiti ay hindi ako magsasawa.

Dahil sa mga sakim na Rewis,
Buhay n'ya ay ibinuwis,
'Di ko malilimutan ang kanyang ngiti noon,
Ang makita s'ya iyon na pala ang huling pagkakataon.

Kotseng lulan s'ya ay sumabog,
Na sa aking puso ay nakapagkabog,
Iyon ang araw na huli ko s'yang nasilayan,
Araw na punung puno ng kalungkutan.

My Poems For He's Into Her By: Maxinejijiजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें