SAGIPIN (Lovemir)

239 5 1
                                    

Lovemir feels be like

S'ya ay may kakaibang personalidad,
Napakarami rin n'yang abilidad,
Kahanga-hanga ang taglay n'yang talento,
Kaya di nakakapagtakang sa kanya maraming may gusto.

S'ya ay aking naging kaklase,
Kung kumilos pa s'ya ibang klase,
Kapag pagmamasdan mo wala s'yang pakialam,
Pero napakarami n'yang alam.

Sa sayaw s'ya ay aking nakapareha,
May gandang taglay ang kanyang mukha,
Pero sa puso n'ya may nagmamay-ari na,
Bakit nakilala kita ay huli na?

Nagkaroon ng mga pangyayari at kami ay nagkalapit,
Sa aming mga karelasyon humihina ang kapit,
S'ya ay may matinding dahilan,
Hanga ako sa kanilang pagmamahalan.

Aking namalayan, nag-iba aking pananaw sa kanya,
Kapag nakakasama nagkakaroon ng kaunting saya,
S'ya ay madaling magpaubaya,
Para sa minamahal lahat kanyang makakaya.

Natuon na sa kanya aking damdamin,
Ang pagkatao n'ya ay kinusa kong alamin,
Sana noon pa kita nakilala Maxpein,
Mahal kita, kaya buhay ko ay iaalay para magawa kitang sagipin.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now