IKAW (tagsen)

2.3K 67 0
                                    

Ikaw ang tanging kalakasan,
Ikaw rin s'yang kahinaan.
Ikaw lang ang palaging kailangan,
Ikaw ang pinapahalagahan.

Iisa ang himig,
Iisa ang pintig.
Salitang 'di mabukambibig,
Ikaw s'yang iniibig.

Iyo kayang mabatid,
Nais kong ipahatid.
Wala itong kahit anong bahid,
Sana nga lang 'di mapatid.

Ito na nga ba ang pag-ibig?
Kahit yata mundo ko'y mayanig.
Sa'yo walang makakadaig,
Ikaw yaman sa'kin, s'yang nanaig.

Nagsimula sa bangayan,
Walang humpay na awayan.
Parating puro gantihan,
Nauwi ika'y naging sandalan.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now