HIH season 2 book 18

259 3 0
                                    

Deib feel be like

Ako ay iyo na lamang basta iniwanan,
Nais kong tanungin, ano aking kasalanan?
Gustuhin ko man ika'y sundan at puntahan,
Ngunit di ko alam kung papaano at kung saan?

Napabayaan ko ang aking sariling pag-aaral,
Nais tanungin hindi mo na ba ko mahal,
Naghihintay ako sa 'yo kahit na matagal,
Sapagkat sobra kitang minamahal.

Halos ako ay mabaliw sa kakaisip,
Ikaw ang laging laman ng aking panaginip,
Ako  nagawa mo muling  isagip,
Sabihin sa akin ang nangyari pawang kathang-isip.

Araw-araw kita kung tawagan,
Ang pagsagot mo ay aking inaabangan,
Ating relasyon, tapos na ba ng tuluyan,
Hindi ako handang ika'y bitawan.

Walang gana ako sa lahat ng bagay,
Ang pagbabalik ko ay kanilang hinintay,
Katawan ko sa sakit halos bumigay,
Sabihin sa akin, mahal mo ba kong tunay.

Sila para sa akin ay nalulungkot,
Ang puso ko puno ng pangamba at takot,
Sakit sa aking dibdib ay nanunuot,
Pangungulila ko sa 'yo iyon ang dinulot.

Sinubukan kong muling bumangon,
Dalangin ko ay kanyang tinugon,
Puso ko hihilom rin sa tamang panahon,
Ikaw ang aking noon, bukas at ngayon.

Pag-aaral akin nang pinagbuti,
Kasiyahan ay aking pinalamuti,
Balatkayo kung ako'y ngumiti,
Pagkat kalooban ko ay may pighati.

Sumapit ang araw nang aking pagtatapos,
Ang alaala natin dalawa ay aking ginapos,
Ika'y nagpakita, hininga ko ay halos makapos,
Aking  sasabihin sana ay di ko natapos.

Bumaba ako sa entablado, tila namamalikmata,
Totoong ikaw ang akin nang nakikita,
Hindi ako dinadaya ng aking mga mata,
Ikaw nga narito sa harap ko sinta.

Sarili ko man ay nais kong pigilan,
Gusto kitang sigawan at sumbatan,
Ilang buwan mula nang biglaan mong paglisan,
Muntik pa ko mawala sa katinuan.

Mga kabatchmate ko ay aking sinayaw,
Pero ng ikaw na ako ay umaayaw,
Si Harlon ay nagawa ka pang isayaw,
Nagpipigil ako ng galit at gusto ko ng humiyaw.

Sa parking lot ikaw ay aking sinundan,
Nagsimula na naman tayo magsigawan,
Mga kasalanan mo sa 'kin ay kinakalimutan,
Salitang mahal kita, iyo na rin nabitawan.

Sabi mo sa akin ika'y babawi,
Lahat ng galit ko ay nahawi,
Ang halik mo ang nagpawi,
Sa angas mo, ako ay napangiwi.

Hindi ka muling nagparamdam,
Ako muli na naman nagdamdam,
Hindi ka na naman nagpaalam,
Anong ginagawa mo ay wala kong alam.

Isang araw bigla kang nagpakita,
Di ko maiwasan sa 'yo ay mairita,
Pagtatampo ko ay aking pinakita,
May lungkot sa 'yong mga mata.

Nagtungo tayo sa Palawan,
Kaya pala sa bahay ako ay naiwan,
Lahat sila nandito nagkakatuwaan,
Masaya pa kung maghiyawan.

Lumitaw ang iyong kagandahan,
Pinakita hubog ng iyong katawan,
Kay Randall ika'y nakipagtawanan,
Nagulat ako, iyo pa lang kaarawan.

Nagkaroon na naman tayo ng tampuhan,
Kaya naman ika'y aking kinantahan,
Tayong dalawa ay nagsayaw at nagkangitian,
Lahat ng aking katanungan may kasagutan.

Bawat mensahe ko iyong pinakinggan,
Sinulat sa papel ang iyong kasagutan,
Ako ay di mo pala kinalimutan at ginustong iwanan,
Ngayon mas lalong tumibay ating pagmamahalan.



My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now