D and E

603 11 0
                                    

D and E ang kanilang tawagan,
Dalawang matalik na magkaibigan.
Sina De Valle at Echavez na mga manggagamot,
Sa pamilya nila ay hindi sila nakakalimot.

Randall na matinik sa mga babae,
Kanyang paraan ay ibang klase.
Maxwell na iba kung umupo,
Puso n'ya wala pang nakakasapo.

Naglalabanan sa katalinuhan,
Isa 't isa ayaw maisahan,
Madalas man sila magpaligsahan,
Isa 't isa kanilang maaasahan.

Pareho silang magaling,
Kaya maraming nahuhumaling.
Minahal noon ni Randall si Pein,
Si Maxwell dating may pagtingin kay Dein.

De Valle na mapagmahal na kuya,
Si Maxpein sa kanya nagpapasaya,
Echavez na lahat ng bagay makakaya,
Si RD sa buhay n'ya isang biyaya.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now