PAGKAKAHAWIG (Deib )

200 7 0
                                    

Ikaw ay dinala sa pagamutan,
May sinabi ang isang nurse na di ko makalimutan,
Kaya pagkaharap s'ya iba ang iyong ngiti,
Na tila puso't damdamin mo ay kinikiliti.

Hindi ko makalimutan ang inyong pagsasayaw,
Sa isa't isa parang ayaw n'yo na bumitaw,
Si Maxwell daw ay iyong asawa,
Gusto ko sanang matawa.

Misis at mister pa ang inyong tawagan,
Bagay kayo, pareho may kahambugan.
Paano mo ba s'ya nagawang bihagin,
Sa kilos lalaki halos s'ya iyong daigin.

Del Valle ang inyong apelyido,
Pag-uugali n'yo kahirap ikabisado,
Ibang klase pa kayo maglambingan,
Na amin namang iniilingan.

Lahat ng babae sa asawa mo ay nahuhumaling,
Ikaw madalas naman magmagaling,
Mag-asawa kayong mahusay magpasikat,
Kahambugan n'yo hirap kaming isukat.

Nang malaman ko na di pala totoo,
Sa aking kinatatayuan para akong nabato,
Magkapatid pala talaga kayo,
Iyong pagkakahawig pala ay di nalalayo.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα