IKAW NA NGA

1.2K 16 2
                                    

Deib feel be like

Ikaw na nga ang aking pinapangarap,
Ngayon ay hindi na ko magpapanggap,
Ikaw na nga ang aking hinahanap-hanap,
Aminado ako matagal bago ko tinanggap.

Ikaw na nga ang aking laging iniisip,
Na laman ng bawat kong panaginip,
Ikaw na nga ang babaeng aking iingatan,
Pagsagip mo sa akin ay di ko nalilimutan.

Ikaw na nga ang nagbibigay sa akin ng saya,
Puso at isipan ko ay hindi ako dinadaya,
Ikaw na nga ang makakasama ko sa lungkot at ligaya,
Ikaw rin ang pinakaespesyal sa lahat ng aking biyaya.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now