CHAIRMAN MOON

325 10 1
                                    

Kanyang buong akala,
Sa kanya tuluyang nawala,
Ang aking pagtitiwala.

Nag-iisa naming Maxpein,
Minsan sa pag-ibig nagpaalipin,
Masaya, sarili n'ya nagawang sagipin.

Marahil s'ya ay may pagkapasaway,
Madalas pa s'yang napapaaway,
Mahihirapan ka sa kanya magsuway.

Inilayo man namin s'ya, sa tunay n'yang ina,
Buong tapang lumaban, sa emperyo s'ya'y nanguna.
Kaming mga minamahal n'ya dahilan ng kanyang panghihina.

Apo ko s'yang maipagmamalaki,
Kasama ang dalawa n'yang kapatid na lalaki,
Masaya ko malapit sila hanggang sila'y lumaki.

Nagagalak ako dumating s'ya sa aming buhay,
Mga ngiti sa 'king labi ay kanyang nasilay,
Hanggang sa ako'y tuluyang nahimlay.

Hindi man nila ko ngayon kapiling,
Binabantayan ko sila sa tuwing mahihimbing,
Kasiyahan nila patuloy kong hinihiling.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now