AKING YAMAN

167 1 0
                                    

Maxpein feels be like

Lumaki ako na di ka nakikilala,
Araw-araw ako sa 'yo ay nangungulila,
Hinahanap-hanap ko ang iyong kalinga,
Nais ko maramdaman ang iyong aruga.

Tayong dalawa ay kanilang pinaglayo,
Ako'y nabubuhay nang dahil sa 'yo,
Na hindi mapapalitan ng kahit ano,
Gusto kong makita ang iyong anyo.

Ilang taon ang pakiramdam di ako buo,
Tinutuklas ang aking tunay na pagkatao,
Ako ba ay iyong minahal ng totoo?
Nais ko ring may matawag na ina ko.

Sa 'yo ko utang ang aking sariling buhay,
Magandang pamumuhay sa 'kin, nais mo ialay,
Di naglaon nahawakan ko rin ang iyong kamay,
Sa aking laban naging kasama at karamay.

Kailanman di kita nagawang kamuhian,
Ninais mo rin sa kanila, ako ay ipaglaban,
Sa lahat ng nangyari wala kang kasalanan,
Ngayon tanggap ko na ang aking katauhan.

Hindi mababago nang ating kapalaran,
Ang dugo na dumadaloy sa aking katawan,
Ikaw ang aking ina, isa sa aking yaman,
Na di mapapalitan ng kahit ano pa man.

Salamat sa 'yo dahil ako ay nabuhay,
Ngayon lahat ay handa kong ialay,
Dahil ako naturing na ring isang inay,
Na nagmamahal na walang kapantay.




My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon