GILIW (Deib feels)

950 22 0
                                    

Hangin na malamig ang ihip,
Puso ko'y patuloy na tumatahip.
Utak sumasabay sa pag-iisip,
Laman kaya nito'y masasagip.
Sabihin ako'y nananaginip,
Mata ko'y ika'y mahahagip.

Dapat pa bang magbalik-tanaw,
Kung iba-iba naman ang pananaw,
Titig mong nakakatunaw.
Pighati mo nama'y nakakalusaw,
Pag-asa pa ba'y lilitaw?
Ayoko pa rin bumitaw.

Para na akong nababaliw,
Ulan nga sa'kin nakikisaliw.
Pilit sarili'y inaaliw,
Pero kalungkutan ko'y ayaw magmaliw.
Sa puso ko ikaw lang nagpapaliwaliw,
Nangungulila ako sa'yo aking giliw.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now