DI NILA MATATAWARAN (Maxpein )

246 4 0
                                    

Iba rin ang kanilang tapang,
Sa bawat kong kilos sila ay nakaabang,
Aming teritoryo kanilang pinasok,
Kaya puso ko ay naghihimutok.

Binihag namin si Taylor,
Isa s'yang lihim na traydor,
Enrile ang kanilang pakay,
Pero aking lolo ang  kanilang pinatay.

Nagpunta sila sa lamay,
Nanginginig sa galit aking mga kamay,
Buhay ang kanilang inutang,
Kaya humanda sila paghihiganti ko na nag-aabang.

Isa si Christian sa nagbayad,
Aking galit kanilang sinagad,
Wala na ko paki sa aking kaparusahan,
Tatapusin ko na itong gulo kanilang sinimulan.

Maraming nadamay sa kanila,
Pati mga bata ay pinatulan nila,
Kanilang pagiging sakim ay sumobra,
Akala nila sa 'kin sila ay uubra.

Isang pana sa 'kin ang nagpatumba,
Na kina Lovemir at Deib na nagpakaba,
Malaya kong tatanggapin aking kapalaran,
Pagmamahal ko sa aking pamilya di nila matatawaran.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now