YAGO AT MALLYU

345 2 1
                                    

Dalawang tao na minsan n'yang nilapitan,
May  problema s'ya noon na nais kalimutan,
Sila sina Yago at Mallyu dalawang kalalakihan,
Na madalas lumikha ng anumang kaguluhan.

Kanilang samahan ay huwag gagalitin,
Pagkat pagtutulungan ka nilang lumpuhin,
Humahanga at napapailing kay Maxpein,
Nang si Deib Lohr ay nagawa nitong sagipin.

Si Choco noon ay madalas nilang sundin,
Bayad ang kapalit, sino gustong gulpuhin,
Mayaman ka man o hindi walang sasantuhin,
Pati si Gonza nagawa nilang bugbugin.

Grupo nila, sina Maxpein ay pinagtulungan,
Tumindi ang nilikha nilang gantihan,
Nadamay ang kanilang  kasamahan at kaibigan,
Sa huli kay Maxpein sila ay humingi ng kapatawaran.



My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now