EERAH

493 12 0
                                    

Ako nga pala si Eerah anitha,
Sa akin ay magagandahan ka,
Si Deib muntik ko ng makuha,
Kakaiba kasi ang aking mahika.

Si Lovemir ang aking mahal,
Pero kay Cargosin ako kasal.
Kay Maxpein kami ay nabahala,
Ilang beses s'ya sa amin nagbabala.

Relasyon nila ni Deib aking nasira,
Aming yaman halos walang natira,
Sa mga Enrile gusto namin gumanti,
Sa aming ginawa marami nagpighati.

Akala ko, ako ay nagtagumpay,
Si Maxpein malupit na kaaway,
Handa s'ya kumitil ng buhay,
Kay Deib lahat kaya n'yang ialay.

Mali kami ng taong kinalaban,
Kaya kami labis na pinarusahan,
Maxpein na reyna ng kahambugan,
Sa kanyang galing wala akong laban.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon