SA PUSO KO AY IKAW

186 2 0
                                    

Deib feel be like

May ngiti kong binabalik-balikan,
Ang unang araw na tayo'y nagkakilanlan,
Dahil lamang sa simpleng tinginan,
Na para sa akin iba ang kahulugan.

Sa isang iglap sa sahig ikaw ay bumulagta,
Pinatid kita, dahil ako ay may pagkaisip-bata,
Ika'y naging mainit sa aking mga mata,
Sa iyong angas madalas akong naiirita.

Di ko matanggap sa kalokohan ko may nakatagal,
Pakiramdam ko sa akin, ika'y isang sagabal,
Sa iyong ipinapakita, ako'y napapatigalgal,
Kaya ang aking mukha sa hiya nangangapal.

Sa iyong tunay na katauhan, ako'y nahihiwagaan,
Unti-unti na dumarami ang aking mga katanungan,
Ikinakaila ko noong una ang aking nararamdaman,
Kalaunan humahanga na ko sa 'yong katatagan.

Sadyang ating tadhana ay nilikhang mapaglaro,
Ang ating mga pinagdaanan ay di matatawag na biro,
Pero sa lahat na mga iyon sa 'tin ay maraming naituro,
Kahit ang buhay ay magkaganon nanatili tayong totoo.

Ating mga damdamin unti-unting nagkalapit,
Kahit ilang bagyo sa buhay natin ang humagupit,
Sa isa't isa na nanatili tayong nagtiwala at nakakapit,
Di ko makalimutan ang iyong yakap na mahigpit.

Sa puso ko ay ikaw lamang ang babaeng nilalaman,
Hindi nagbago noon hanggang magpakailanman,
Kahit ilang pagsubok pa ang ating naranasan,
Sabay natin itong nilabanan at nilagpasan.

Iyong labi lamang ang aking halik-halikan,
Na aminado ako na akin namang kinaadikan,
Aking puso at damdamin napupuno ng kagalakan,
Ang aking kilig umaabot sa dulo ng aking talampakan.

Alam mo naman sa puso ko may natatanging ikaw,
Pangalan mo ang walang patid na isinisigaw,
Ngayon sa akin, sa 'yo wala ng makakaagaw,
Pagkat ang pag-ibig ko sa 'yo ay di nila mananakaw.

Taguro ng aking buhay, ako ang iyong Sensui,
Sa lahat ng aking kalokohan di ako ganap nagsisi,
Marahil iyon ang bagay na aking naging susi,
Na mapansin mo at mahalin sa bandang huli.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ