EHEMPLO

437 7 0
                                    


Para sa akin ika'y isang ehemplo,
Nararapat lang maging isang idolo.
Para sa akin natatangi iyong kuwento,
Bukod sa ako'y naaaliw ay mas natututo.

Salamat sa pagbabahagi ng iyong mga kaalaman,
Nadaragdagan pa lalo aking mga nalalaman.
Ang buhay natin ay  puno  ng lungkot at saya,
Iyong likha nagdulot sa akin ng kakaibang ligaya.

Tulad mo para sa akin ay bibihira,
Kaya sa iba hindi kita ikukumpara.
Samu't saring emosyon ang iyong dinudulot,
Kuwento mo maraming aral ang napupulot.

Alam  mo  ba ika'y aking inspirasyon?
Para pag-igihin aking munting  layon.
Maraming salamat sa iyong kuwentong handog,
Nagising mo  kaisipan at damdamin kong  tulog.

Ika'y aking idolo kaya ako'y isang mapalad,
Saloobin ko aking ng malayang nalalahad.
He's into her namumukod tanging istorya,
Para sa mga minamahal lahat makakaya.

Marami ka pang  taong pupukawin,
Mga agam-agam nila iyong tutunawin.
Maxinejiji para sa akin ika'y nag-iisa,
Maraming salamat sa binigay mong pag-asa.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now