Muli aking mga kaibigan ,
Ay patuloy na nadaragdagan.
Paumanhin sa aking karuwagan,
Nais sabihin damdamin ko'y napapagaan.Malayo ka man sa akin,
Kakaiba ang katangiang angkin.
Nanaising ika'y kaibiganin,
Sana huwag mo ko hawiin.Buhay natin na may pag -asa ,
Hindi lahat ay natatamasa .
Daraan ka muna sa pagdurusa ,
Nais ko sabihin di ka nag iisa .Segundo't minuto ay lumilipas ,
Araw hindi na mamalayang umaalpas .
Tubig na patuloy ang lagaslas ,
Tandaan kaibigan kita kahit maubos pa ang bukas.
DU LIEST GERADE
My Poems For He's Into Her By: Maxinejiji
PoesieMy favorite story He's into her by Maxinejiji. Nainspired n'ya ko pag may update s'ya dalang dala ako kaya napapalikha ako ng tula. Kumbaga dama ko emosyon ng kanyang mga cast ganon katindi impact n'ya sa kin. Ang ilang tula ay spoiler sa mismong is...