I'M INTO HER (Deib Season 3)

598 12 0
                                    

Sa ating pag-iibigan ay maraming kailangan isakripisyo,
Nariyan ang mga pagkakataong ikaw ay lumayo.
Ako at aking pamilya ay iyong pinoprotektahan,
Maging inyong pamilya ay nadamay sa kaguluhan.

Ating pagmamahalan ay ilang beses na rin sinubukan,
Ilang beses na rin tayong nagka-iyakan,
Nariyan pa na ako ay halos iyong ng pagtulakan,
Para lamang masigurado na ako ay malayo sa kapahamakan.

Tayo ay labis na nagkasakitan,
Pero sa puso't damdamin ko ay hindi ka papalitan.
Isang pangako ang nais kong ialay,
Hindi ko pa batid kapalit ng mga nangyari ay iyong buhay.

Hangga't maari ayoko na tayo ay muling magkawalay,
Nangako kang babalik at muli ika'y aking hinintay.
May hinanda kong surpresa, ngunit hindi ka dumating,
Sinikap kong ikubli aking mga hinaing.

Tiniis ko muli ang pangungulila,
Nagkasya muli sa ating mga alaala.
Hindi pa rin ako naniniwala,
Na ikaw ay tuluyan ng nawala.

Puso ko man ay pinalitan,
Ikaw pa rin ang nilalaman,
Hindi pa rin kita nakakalimutan,
Walang hihigit sa'yo kahit sinuman.

Ako ay buong loob na nagpasya,
Ramdam ko na ikaw ay nasa Korea.
Aking magulang, ako ay pinayagan,
Nagtungo roon ng walang pag-aalinlangan.

Iyong ama lakas loob kong tinawagan,
Ako ay labis na naguluhan, mali ang aking napuntahan.
Ako ay kanyang magiliw na sinundo,
Unti-unti luminaw sa'kin iyong tunay na mundo.

Ako ay labis na kinabahan,
Nakilala ko na tunay mong katauhan.
Lahat ng paghihirap mo ay aking nasaksihan,
Hindi ko buong tanggap ang inatang nilang kaparusahan.

Nagulat ka nang ako ay iyong nakita,
Wala na ang dating kislap ng iyong mga mata.
Lahat sila hindi ko pinapansin,
Titigan ka, akin nang lulubusin.

Ako ay handang magmakaawa para sa'yo sinta,
Dahil alam mo naman mahal na mahal kita.
Nalaman ko na ang buong katotohanan,
Aking lolo halos aking ng kamuhian.

Ako ay tunay na naaawa,
Sa iyong parusa wala kong magawa.
Sinabi mo sa akin, huwag na kitang hihintayin,
Dinurog mo ang aking puso't damdamin.

Pinilit kong tumayo at maging malakas,
Kung maari lang sana kitang itakas.
Ngunit alam natin na kulang ang aking lakas,
Paano ko na haharapin ang bukas?

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now