LILIGAWAN (Maxpein )

251 4 0
                                    

Hanggang ngayon di ako makapaniwala,
Ibang-iba na s'ya sa Deib na aking nakilala,
Nagtataka man ako sa ipinapakita n'ya,
Balewalain s'ya di ko naman makaya.

Kaming dalawa ay nagpustahan,
Kapag nanalo sila, ako ay kanyang kakantahan .
Nagulat na lamang ako sa kanyang sorpresa,
Labis akong nabigla at di makapagsalita.

Dumating sina Dein at Randall,
Sa kanilang tingin di ako makatagal,
Inulit ni Deib ang kanyang katanungan,
At oo na ang aking naging kasagutan.

Nakaramdam ako ng pagkailang,
Ang paningin ko ay nasa sahig na lang,
Si Deib sa 'kin yata ay seryoso,
Sa paningin n'ya ayaw akong nalalayo.

Sabi ni Maxwell pinapatawag daw ako ni Chairman,
Ako ay nagtaka, pinapunta n'ya ko ng Palawan.
Nagulat ako naroon pa rin si Deib sa labas,
Talagang sa paningin n'ya ayaw ako makatakas.

Sa parking lot nandoon si Kimeniah,
Kay Deib nagmakaawa, at di raw n'ya kaya,
Nag-usap sila, pagkatapos sa' kin lumapit ,
Nagulat ako sa pagyakap n'ya sa 'kin ng mahigpit.

Bago ko paandarin ang aking motor nagpaalam pa,
Muli ginulat n'ya sa paghalik sa aking noo, di ko na'to makayanan pa,
Si Maxrill ay iniuwi ko muna para kumuha ng gamit,
Di ko alam na di pala nagpaalam sa ina n'yang masungit.

Maaga pa lang ay nakita ko na s'ya,
Nakasandal sa puno at mukhang masaya,
Sa kanyang kotse may paperbag s'yang kinuha ,
Ako naman ay labis na nagtaka.

Si Yaz s'ya ay kinukulit,
Sinagot n'ya ito  ng pagsusungit,
Nabanggit nito si Randall kami ay na tahimik,
Si Sensui nagbago ang mood at di na umimik.

Binigyan n'ya ko ng munting regalo,
Naglalaman ng pagkain na aking gusto,
Yakult at stik-o, lahat sila ako ay tinukso,
Kahit pa paano nahaplos n'ya aking puso.

Hindi ako nanood ng kanyang laro,
Naguguluhan ako sa utos ng aking lolo,
Nang makita n'ya ko, agad na nanita,
Inis at galit nabasa ko sa kanyang mata.

Di ko sinabi sa kanya pupunta kami ng Palawan,
Nagtaka ako, bakit numero ko kanyang nalaman,
Nakatulog ako, nagulat ako nang s'ya ay akingmakita,
Hindi ako niloloko ng aking mga mata.

Nakahiga s'ya patigilid sa 'king kama,
Sa kanya agad ako napatingin ng masama.
Sa kanyang mga mata makikita ang kasiyahan,
Dalawang araw n'ya raw ako liligawan dito sa Palawan.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now