RANDALL ECHAVEZ

458 8 1
                                    

SIS ay kanilang pag-aaring eskuwelahan,
Sa kanya nahumaling ang mga kababaihan,
S'ya ay may taglay na karisma at katalinuhan,
Noon sa relasyon di kakikitaan ng kaseryosohan.

Tinatawag s'yang "E" ng kanyang kaibigan,
S'ya at kapatid nito ay minsan nag-ibigan,
Si Deib Lohr matindi kung s'ya'y pagselosan,
Sakit ng kahapon nahirapan s'yang takasan.

S'ya ay si Randall Echavez na matalino,
Nasa pag-ibig noon ay sadyang naglalaro,
Maxpein ang babaeng sa kanya nagpatino,
Pagmamahalan nila dati ay di isang biro.

Si Maxwell ang madalas n'ya kakompetensya,
Pareho silang kumuha ng kursong medisina,
Ngayon s'ya ang inaasahan ng kanyang pamilya,
Sa pagiging playboy s'ya ay nakagraduate na.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now