TADHANA (Maxpein)

787 18 0
                                    

Masama aking pakiramdam,
May karapatan ba akong  magdamdam?
Kung may ilang bagay na sa'yo 'di pinaalam,
Luha ko nanatiling hilam.

Ngayon tila wala sa sarili,
'Di na nga mapakali,
Tadhana,bakit ako pinaglalaruan?
'Di naman ako nakikipagbiruan.

Bawat larawan na aking nakikita,
Ikaw pala ang nagpinta,
Bakit nga ba 'di ko maalala?
Tila kayrami sa  atin  nawala.

Nang sabihin na ika'y malaya,
Sakit pilit ko kinaya.
Nakatingin ka sa ulan,
Malungkot ka,ano ba ang dahilan?

Tanungan tungkol sa pag-aasawa,
Tila nabuhay aking diwa.
Sagot mo na nagpaisip sa 'kin,
Ngayon puso mo 'di ko na talaga angkin.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now