PANA (Maxpein HIH Season 2 and 3 partly)

659 13 0
                                    


Sa isla namin sa Palawan nagsimula,
Kasiyahan namin ay kanilang ginambala.
Yate ng aking Lola nadamay,
Nanginig tuloy aking mga kamay.

Isang tao ang kanilang pinaghihigantihan,
Pamilya nito aming kinakampihan.
Isang pangyayari na sila'y labis na nasktan,
Nasa Korea ako no'n, kaya hindi  ko nasaksihan.

Sa buhay namin lakas loob silang nangahas,
Handa akong gumamit ng dahas.
Isang dalagang nagngangalang Eerah Anitha,
Pag nakikita ko ay naniningkit aking mga mata.

Lakas loob n'ya ko binigyan ng babala,
Hindî  yata n'ya ko kilala, ilag sa'kin pati bala.
May bagong binatang dumating,
Tingin n'ya sa'kin ay iba ang ipinaparating.

Ngalan n'ya'y Lovemir na magaling,
Pero kay Eerah Anitha nahuhumaling.
Na asawa naman pala nitong si Cargosin,
Na mayabang na nais ko ng pulbusin.

Lovemir na naging aking kaklase,
Si Eerah makadikit kay Sensui ko ibang klase.
Makakapareha ko si Lovemir sa sayaw,
Hindi ako agad nakakibo at nakaayaw.

Kay Sensui ko 'di ko agad sinabi,
Araw ng performance si Eerah kanyang katabi.
Tingin n'ya sa 'kin ay nagulat at naguguluhan,
Nagsisimula na aming tampuhan.

Isang lihim aming nalaman,
Eerah at Lovemir dating nagmahalan.
Mga Rewis sa mga Enrile tumindi ang galit,
Si Sensui kanilang nais na kapalit.

Hininging bagay ni Deib 'di ko agad naibigay,
Kaya sa bitag ni Eerah s'ya bumigay.
Aming relasyon ay muling nasira,
Pasensya ko halos walang matira.

Sinaktan nila ang Sensui ko,
Kinanti nila ang patakaran ko.
Kaya sinumpa ko, ako ay maghihiganti,
Puso ko halos madurog at mahati.

Nagtungo ang mahal ko sa Amerika,
Para do'n magpagamot, ako nama'y makikipagbaka.
Kasama ang aking ina,misyon aming sinimulan,
Sila'y aking inimbestigahan,sila ay sa'kin nahiwagaan.

Tinatanong nila ang tao sa likod ng itim na kasuotan,
Sino ba s'ya at sa kanila nakikipag- espadahan.
"You'll die if i tell you", maangas nitong sambit,
Ang bawat galaw nito'y walang kasabit-sabit.

Kanilang mukha may kakapalan,
Masama kami kanilang natatagalan.
Sa amin at sa mga Enrile nakikipagsosyo,
Pagbagsak na kasi kanilang mga negosyo.

Si Lovemir ay hindi ko malaman kung aking kakampi,
Mga Rewis isa sa s'ya sa kasapi.
Ilang buwan si Sensui ay nagbalik,
Sa tunay naming relasyon ako'y nanahimik.

Tiniis ko ang kanyang pagmamakaawa,
Ako ay nag-iingat para sa aming dalawa.
Kay Maxrill si Taylor ay nakikipagkaibigan,
Lihim n'ya kong iniimbestigahan.

Patuloy ang aking pagmamamanman,
Ayokong may mapahamak kahit sinuman.
Nagkaroon ng mga kaguluhan at pagsabog,
BIS ang pinuntirya at ito ay kanilang patibong.

Lumala ang ganid sa kanilang mga puso,
Sila ay talagang ganap ng mga tuso.
Si Deib kanilang binihag at si Wood kinasabwat,
Aking codename na H.E.R sa kanila naisiwalat.

Hindi sila tumigil patuloy kanilang pagganti,
Aking mga kamao sa kanila kating kati.
Nagpapasalamat ako, nakamit ko ang aking diploma,
Ngunit mga Rewis sadyang napakasama.

Nalaman nila aking kinatatakutang gagamba,
Ako ay hindi makahinga at labis na nangamba.
Kay Lovemir labis akong nagpasalamat,
Ako ay kanyang tinulungan, kahit tiwala ko sa kanya nagkalamat.

Lihim kaming nagkaayos ni Sensui,
Ayoko s'ya ay mapahamak, ako ay nagsisisi.
Napaiyak ko aking pinakamamahal na lolo,
Gustong-gusto n'ya ang tasang aking niregalo.

Humaplos sa aking puso ang kanyang mga sinabi,
Isang matamis na ngiti umusbong sa 'king labi.
Umusbong muli aking galit,pati si RD kanilang dinamay,
Si Randall aking tinulungan, uubusin namin kanilang galamay.

Ako ay nahulog sa kanilang patibong,
Isang sorpresa sa akin kanilang isinalubong.
Aking lolo lulan ng isang kotse, puso ko ay kumabog,
Isang ngiti ang binigay n'ya sa'kin, bago kotse ay sumabog.

Sa pagkamatay ng aking lolong na si Chairman Moon,
Galit at pagkamunghi sa aking puso naghahamon.
Isang batas ang handa kong labagin,
Kahit pamilya ko, hindi ako kayang patigilin.

Buhay ng aking lolo kanilang kinuha,
Kakayahan ko sa kanila ang magpapamangha.
Sa aking mga kamay dadanak na ang dugo,
Poot sa aking puso sadyang sa'kin ay nagpabago.

Handa na kong tanggapin ang aking kaparusahan,
Ito ang pangyayari na akin ng inaasahan.
Mga lihim na unti-unti ng nagliliwanag,
Mga salita s'yang magpapaliwanag.

Aking buhay handang ialay sa kanila,
Si Maxwell aking inaaalala.
Puso ko ay unti-unti nilang dinurog,
Isasagip ko aking Sensui, s'yang aking iniirog.

Sikretong matagal na naibunyag,
Si Lovemir ang s'yang naghayag.
Pati kanyang damdamin para sa'kin ipinagtapat,
Luha sa aming mata ay hindi maampat.

Isang pana sa'kin ay nagpatapos,
Halos hininga ko ay kumapos.
Apat na hukom ay aking naaninag,
Dahilan nila ay hindi na kailangan pa ng paliwanag.




Ito po ang naalala kong nangyari sa season two and 3, pasensya na po kung medyo magulo, di po kasi ako nagbabackread iyan po nakakatatak sa isipan ko.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now