DI KO HAHAYAAN

352 5 0
                                    

Deib feel be like

Hindi ko talaga nalilimutan,
Sa tulong, di mo kami pinagkaitan,
Kahit na ikaw ay aking pinagtripan,
Sa paghinga halos ako'y mahirapan.

Hindi ko sadyang inaasahan,
Na kami iyong tutulungan,
Walang takot kang nakipaglaban,
Nagtatanong ako, ano ang iyong katauhan?

Ang init ng iyong yakap sa 'kin nagpapanatag,
Aking nadarama ngayon ay di ko mapaliwanag,
Sa pagkakataon na ito ako'y naduduwag,
Pakiramdam ko pag-ibig na itong matatawag.

Sabi mo habang nakikita kitang nakatayo,
Di ko kailangan matakot, ano nga ba ko sa 'yo?
Sa iyong mainit na bisig ayoko muna lumayo,
Bumilis ang pintig ng aking puso dahil nga ba sa 'yo?

Pilit kong winawaksi noon at tinatago,
Ang pagtingin ko sa 'yo ay tila nagbabago,
Nagkakaroon ka na ba ng puwang sa aking puso?
Sarili kong damdamin ako'y tila tinutukso.

Aking mga nasabi noon tila aking kinain,
Nang ika'y nasimulan ko nang gustuhin,
Humanga ako nang sinabi mo ayaw mo kong paasahin,
Sa lahat ng pagkakataon nagawa mo kong sagipin.

Binigyan mo puso ko ng anethesia,
Ang sakit naghilom na at nawala,
Kaya ako sa 'yo na at akin ka,
Di ko na hahayaan pati ikaw ay wala pa.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now