MINSAN (Randall feels)

2.6K 82 2
                                    

Minsan ika'y aking minahal,
Nakakalungkot dahil 'di tayo nagtagal.
Marami sa atin ang naging sagabal,
Paghanga ko sa'yo'y 'di na matatanggal.

Masaya ka na sa kanyang piling,
Na dati-rati isa sa aking hiling.
Naging sandalan ko noo'y dingding,
Ito ang kadalasang sabihan ko ng mga daing.

Ako'y labis nanghinayang,
Mga pagkakataon ay aking sinayang.
Nilabanan ko sana ang mga hadlang,
Pero desisyon nila ay ating ginalang.

Nakangiting pinagmamasdan kayo,
Kaligayahan na nararapat lamang sa'yo.
Asahan nandito lamang ako at 'di lalayo,
Mananatiling kaibigan mo na handang magpayo.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now