WALANG KATULAD

179 3 0
                                    

Deib feel be like

Wala kang katulad para sa akin,
Puso ko ikaw lang ang mamahalin,
Nag-iisang babybabe ng buhay ko,
Aking mga pangarap iyong binuo.

Walang sawa kang papakasalan,
Kahit saan o ilan pang simbahan,
Mapalad ikaw ang ina ng aking anak,
Walang katulad ang aking pagkagalak.

Marahil ako ay sadyang mapagbiro,
Sa ating anak ay laging nakikipaglaro,
Nakangiti akong gigising kinabukasan,
Kagandahan mo una kong nasisilayan.

Taguro kong walang katulad,
Salamat ika'y nakadaupang palad,
Sa lahat ng nangyari wala kong pinagsisihan,
Dahil ang kapalit nito ay wagas na pagmamahalan.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now